_pang-masa
^

PM Sports

Standhardinger babawi para sa Gins

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kanyang unang laro para sa Barangay Ginebra ay nagtala lamang si Fil-German big man Christian Standhardinger ng 8 points at 10 rebounds.

“I just had to adjust a little bit more on how we play here,” sabi ng 6-foot-8 big man na pumukol ng 3-of-8 fieldgoal shooting sa 75-94 kabiguan ng Gin Kings sa NLEX Road Warriors noong Linggo.

Tatangkain ng Ginebra na makaba-ngon sa nasabing kabiguan sa pagharap sa Blackwater ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang bakbakan ng San Miguel at NLEX sa alas-6 ng gabi sa 2021 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Galing rin sa pagkatalo ang Bossing (0-2) matapos ang 62-71 pagyukod sa Rain or Shine Elasto Painters.

Hindi naman makikita si Terrence Romeo sa ilang laro ng Beermen matapos magkaroon ng hyperextended left knee sa 87-93 kabiguan sa Meralco Bolts (2-0) noong Linggo.

Bagama’t hindi na nakabalik sa third period ay nagtala pa rin si Romeo ng team-high 18 points, 3 rebounds at 2 assists.

Puntirya naman ng Road Warriors (1-1) ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos ang 94-75 pagbugbog sa Gin Kings.

BARANGAY GINEBRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with