_pang-masa
^
Phoenix inilusot ni Ayton para sa 2-0 series lead

Phoenix inilusot ni Ayton para sa 2-0 series lead

(Pang-masa) - June 24, 2021 - 12:00am

PHOENIX — Isang dunk ni Deandre Ayton mula sa alley-oop pass ni Jae Crowder sa huling 0.7 segundo ang naglusot sa Suns laban sa Los Angeles Clippers, 104-103 sa Game Two ng kanilang Western Conference Finals series.

Dumiretso ang Phoenix sa kanilang pang-siyam na sunod na ratsada sa playoffs.

Tumapos si Ayton na may 22 points at 14 rebounds para sa 2-0 bentahe ng Suns sa kanilang best-of-seven series ng Clippers.

Pinamunuan ni Cameron Payne ang Suns sa kanyang career-high 29 points at may 20 markers si Devin Booker. Binanderahan ni Paul George ang Clippers sa kanyang 26 points.

Gaganapin ang Game Three sa Los Angeles bukas.

Ito ang ikatlong pagkakataon na nahulog ang Clippers sa 0-2 deficit sa playoffs matapos makabangon laban sa Dallas Mavericks at sa Utah Jazz sa first at second round, ayon sa pagkakasunod.

Ang layup ni George sa huling 31 segundo ang nagbigay sa Clippers ng 101-100 abante kasunod ang jumper ni Booker para sa 102-101 kalamangan ng Suns sa nalalabing 27 segundo.

Nagsalpak naman si George ng isang long two-pointer para muling iangat ang Clippers sa 103-102.

Matapos ang ilang aksyon ay naimintis ni George ang krusyal na dalawang free throws sa natitirang 8.2 segundo na nagbigay ng posesyon sa Suns.

Tumalbog ang tangkang three-pointer ni Mikal Bridges pero bumalik ang bola sa Suns na nagbigay pagkakataon sa Crowder-to-Ayton connection.

PHOENIX
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with