^

PM Sports

Huling 3-slots sa 2021 FIBA Asia Cup itataya sa wildcard qualifying

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Opisyal nang nagsara ang kurtina ng FIBA Asia Cup Qualifiers subalit may pag-asa pa rin ang ibang koponan na bigong makapasok agad sa mismong FIBA Asia Cup na gaganapin sa Indonesia sa Agosto.

Swak na ang 13 na teams sa FIBA Asia Cup pero may tatlong slots pa ang bakante  na bubuo ng 16-team Asia Cup na lalarga sa Agosto 17-29 sa Jakarta.

Pag-aagawan ang huling tatlong tiket ng anim na third-ranked teams sa kada-grupo sa isa pang wildcard qualifying tournament bago ang mismong Asia Cup sa Agosto 12-14 na gaganapin din sa Indonesia.

Ito ay ang Chinese-Taipei ng Group B, Guam ng Group C, India ng Group D, Saudi Arabia ng Group E, at Palestine ng Group F. Kahit fourth place naman sa Group A ay posible ring makasali ang Thailand dahil pasok na ang terserang Indonesia bilang host.

Sasamahan ng tatlong lulusot na teams sa Asia Cup ang Gilas Pilipinas at South Korea ng Group A, China at Japan ng Group B gayundin ang Australia at New Zealand ng Group C matapos manguna sa kanilang mga grupo. Swak din sa Asia Cup ang Lebanon at Bahrain ng Group D, Iran at Syria ng Group E gayundin ang Jordan at Kazakhstan ng Group F.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with