_pang-masa
^
Brooklyn puro na

Brooklyn puro na

(Pang-masa) - June 17, 2021 - 12:00am

NEW YORK — Kumolekta si Kevin Durant ng triple-double sa kanyang tinapos na 49 points, 17 rebounds at 10 assists para akayin ang Brooklyn Nets sa 114-108 panalo sa Milwaukee Bucks sa Game Five ng kanilang Eastern Conference semifinals series.

Nagdagdag ang nagbabalik na si James Harden ng 5 points, 8 assists at 6 rebounds sa loob ng 46 minuto para sa 3-2 abante ng Nets sa kanilang best-of-seven series ng Bucks.

Si Durant, ang two-time NBA Finals MVP, ang naging unang player sa NBA history na nagposte ng 45 points, 15 rebounds at 10 assists sa isang playoff game.

“Historic, historic performance,” sabi ni Brooklyn head coach Steve Nash.

Hindi naglaro si guard Kyrie Irving dahil sa ankle injury nito.

Humataw si Durant ng 20 points sa fourth quarter kasama ang krusyal na three-pointer sa huling 50 segundo ng fourth period para sa kanilang one-point lead matapos bumangon mula sa 17-point deficit sa first quarter.

Nagdagdag si Jeff Green ng 27 points tampok ang pitong triples para sa Brooklyn at may 17 markers si Blake Griffin.

Nakatakda ang Game Six bukas sa Milwaukee kung saan may 4-0 record ang Bucks laban sa Nets ngayong season.

Binanderahan ni Giannis Antetokounmpo ang Milwaukee sa kanyang 34 points at 12 rebounds kasunod ang 25 markers ni Khris Middleton.

Samantala, pinamunuan ni 2020-2021 NBA MVP Nikola Jokic ng Denver Nuggets ang All-NBA first-team selection kasama sina Antetokounmpo ng Bucks, Kawhi Leonard ng Los Angeles Clippers, Stephen Curry ng Golden State Warriors at Luka Doncic ng Dallas Mavericks.

BROOKLYN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with