_pang-masa
^

Pinoy Olympians puwedeng umabot sa 16?

Russell Cadayona (Pang-masa) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mayroon pang 41 national athletes sa 13 sports ang tumatarget ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

At naniniwala si Chef De Mission Mariano ‘No-nong’ Araneta, Jr. na posible pang umabot sa 16 ang magiging lahok ng Pilipinas sa nasabing quadrennial event na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

“We still have a good number of athletes who can make it to Tokyo through their respective qualifiers,” wika ni Araneta, pangulo rin ng Philippine Football Federation (PFF).

May mga Olympic berth na sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting, Cris Nievarez ng rowing, Ernest John Obiena ng pole vault, Carlos Edriel Yulo ng gymnastics at sina Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam ng boxing.

Noong 2016 Rio de Janeiro Olympics sa Brazil ay kabuuang 13 national athletes sa pamumuno nina Diaz at taekwondo jin Kirstie Elaine Alora ang kumatawan sa bansa. Isa ang 30-anyos na si Alora sa mga taekwondo jins na naghahangad ng Olympic slot sa Tokyo bukod pa kina Pauline Louise Lopez, Arven Alcantara at Kurt Barbosa.

Sinasabing may malakas na tsansang makalaro sa Tokyo Olympics sina 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal at Southeast Asian Games three-time gold medal winner Kiyomi Watanabe.

“We just might surpass the 13 campaigners who saw action in Rio,” sabi ni Araneta sa paglobo ng mga Pinoy Olympic qualifiers sa Tokyo.

Ang iba pang pumupuntirya ng Olympic berth ay sina national karateka Junna Tsukii, BMX rider Patrick Coo, Fil-Am tracksters Kristina Knott at Eric Cray, surfers Nilbie Blancada, John Mark Tokong, Edito Alcala, Jay-R Esquivel, Daisy Valdez at Vea Estrellado at ang Gilas 3x3 team nina Mo Tautuaa, CJ Perez, Alvin Pasaol at Joshua Munzon.

 

ATHLETES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with