^

PM Sports

James humataw agad

Pang-masa
James humataw agad
LeBron James

INDIANAPOLIS — Humakot si LeBron James ng 24 points, 8 assists at 7 rebounds sa kanyang pagbabalik-aksyon sa 122-115 pagpapadapa ng nagdedepensang Los Angeles Lakers sa Indiana Pacers.

Ito ang unang laro ni James matapos ‘di sumalang sa anim na games dahil sa high ankle sprain.

Umiskor si Anthony Davis ng 28 points para pangunahan ang Lakers (41-30).

Maaaring makopo ng Lakers ang No. 6 seed sa Western Conference playoffs kung mananalo sa sibak nang New Orleans Pelicans (31-40) kasabay ng kabiguan ng Portland Trail Blazers (41-30) sa Denver Nuggets (47-24).

Kung mahuhulog ang Lakers bilang No. 7 team sa pagtatapos ng regular season ay maglalaro sila sa play-in tournament at haharapin ang No. 8 squad para pag-agawan ang No. 7 berth sa playoffs.

Isa sa Golden State Warriors (38-33) at Memphis Grizzlies (38-33) ang posib-leng makatapat ng Lakers sa play-in sakaling matalo sila sa Pelicans.

Sa San Antonio, pinalakas ng Phoenix Suns (50-21) ang tsansang makamit ang No. 1 spot sa West sa 140-103 pagpapatumba sa Spurs (33-38).

Sa Milwaukee, dumikit ang Bucks (46-25) sa No. 2 seat sa East matapos angkinin ang 122-108 panalo sa Miami Heat (39-32).

Sa New York, magkakasabay na naglaro sina Kevin Durant, Kyrie Irving at James Harden sa 105-91 pagsagasa ng Brooklyn Nets (47-24) sa bakasyon nang Chicago Bulls (30-41).

Kinuha ng Knicks (40-31) ang 118-109 tagumpay sa Charlotte Hornets (33-38) para tumabla sa Atlanta Hawks (40-31) sa fourth spot sa East.

Sa Minneapolis, tinapos ng Boston (36-35) ang four-game losing skid nang itakbo ang 124-108 pa-nalo sa talsik nang Minnesota Timberwolves (22-49).

vuukle comment

LEBRON JAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with