_pang-masa
^
76ers No. 1 sa East playoffs

76ers No. 1 sa East playoffs

(Pang-masa) - May 16, 2021 - 12:00am

Westbrook ipinoste ang pang-183 triple-double

NEW YORK — Dumiretso ang Philadelphia 76ers sa pagsikwat sa No. 1 spot sa Eastern Conference playoffs habang ipinagpatuloy ni Russell Westbrook ang pagtatala ng triple-double.

Sa Philadelphia, umiskor si Seth Curry ng 20 points at humakot si Joel Embiid ng 13 markers at 11 rebounds para pamunuan ang 76ers sa 122-97 paggupo sa talsik nang Orlando Magic.

Bukod sa top seeding ay napasakamay din ng 76ers (48-23) ang home-court advantage sa playoffs.

Pinamunuan ni Ignas Brazdeikis ang Magic (21-50) sa kanyang 21 markers.

Sa Washington, inilista ni Westbrook ang kanyang NBA record na pang-183 career triple-double sa 120-105 pagdaig ng Washington Wizards (33-38) sa sibak nang Cleveland Cavaliers (22-49).

Kumolekta si Westbrook ng 21 points, 17 assists at 12 rebounds sa kanyang league-leading na ika-37 triple-double ngayong season at ipasok ang Wizards sa play-in tournament sa East.

Napabilang din si Westbrook sa grupo nina Hall of Famers John Stockton at Isiah Thomas bilang tanging mga pla-yers na nagtala ng 15 assists sa pitong sunod na laro sa NBA history.

Sa Dallas, humakot si Luka Doncic ng triple-double na 20 points, 10  rebounds at 11 assists sa 114-110 tagumpay ng Mave­ricks (42-29) sa sibak nang Toronto Raptors (27-44) papasok sa playoffs sa Western Conference.

Sa Oklahoma City, dumikit ang Utah Jazz (51-20) sa No. 1 seat sa West playoffs sa 109-93 pagpapatumba sa sibak nang Thunder (21-50).

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with