_pang-masa
^

Meralco mauunang mag-training

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - May 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung hindi magkakaroon ng delay, makaka-alagwa na sa ensayo ang 12 PBA teams sa Mayo 20 bilang paghahanda sa asinta ng ligang mabuksan ang Season 46 sa susunod na buwan.

Nagsimula na ang pagsalang ng mga koponan sa mandatory COVID-19 testing protocols sa pangunguna ng Meralco, na posibleng pinaka-una team na makasimula ng ensayo sa Mayo 15 sa Laoag, Ilocos Norte.

“Nagpa-swab na lahat,” ani PBA Commissioner Willie Marcial. “By next week puwede na. Ang Meralco by May 15, puwede na mag-practice ‘yun.”

Sumailalim na rin kahapon sa RT-PCR tests ang NLEX, Blackwater at Rain or Shine habang ngayong linggo ang iskedyul ng ibang koponan.

Ito ang unang COVID-19 test ng mga koponan bago sumalang ulit sa isa pang swab test dalawang araw bago ang mismong simula ng practice ayon sa pinahigpit na testing protocols ng PBA alinsunod sa go-signal ng Inter-Agency Task Force.

Kapag ayos na lahat, inaasahang lalarga na ang buong teams sa pagbabalik-training matapos ang lagpas isang buwang pagkakatengga buhat nang mahinto ang batch-by-batch workouts noong katapusan ng Marso bunsod ng COVID-19 surge na sanhi ng implementas-yon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR plus (Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna) na kalaunan ay ibinaba sa Modified ECQ na magtatagal hanggang bukas. Inaasahang mag-aanunsyo ng IATF kung bababa na sa mas maluwag na GCQ ang NCR Plus kung saan umaasa ang PBA na makapagsanay na rin sa loob ng Metro Manila.

Pinayagan na ulit noong nakaraang linggo ng IATF ang PBA training subalit puwede lamang ito sa mga low-risk areas na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) o Modified GCQ.

Isa na nga rito ang Laoag kung saan may imbitasyon si Governor Matthew Manotoc na siyang pagdarausan ng training ng ibang teams habang ang karamihan ay sa Batangas City.

Pina-finalize na lang ang mga protocols at guidelines na inaabangan ng PBA mula sa Games and Amusements Board (GAB) sa ilalim ng Joint Administrative Order (JAO) kasama ang Department of Health at Philippine Sports Commission.

Itinuturing ng PBA na susi ang pagbabalik training nito  kabilang ang mas dikitang scrimmage upang mapatunayang kaya nitong maidaos nang ligtas at matagumpay ang planong closed-circuit set-up para sa 2021 Season mula sa mahigpit na bubble setting noong 2020 sa Clark, Pampanga.

MERALCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with