^

PM Sports

MVP sa North, SMC sa South

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kung hindi baba ang kasalukuyang quarantine status sa NCR Plus area sa May 15, puwersado ang PBA na ituloy ang planong balik-ensayo sa labas ng Metro Manila.

At hindi katakataka na biyaheng norte ang MVP Group ball clubs samantalang South naman ang mga koponan sa bakuran ng SMC.

Para lang ‘yan pelikula na pinagsamahan noon nina FPJ at Ramon Revilla Sr.-- Sayo ang Cavite, Akin ang Tondo.

Teritoryo ng MVP Group ang expressway patungo sa mga probinsya sa norte, samantalang dadaan ka sa mga tollways ng SMC kung destinasyon ang Southern Luzon provinces.

Ang pagpili ng MVP Group teams ng training venue sa Ilocos, Clark o Subic ay pagtangkilik ng kanilang NLEX at SCTEXT.

Maipro-promote naman ng SMC teams ang kanilang SLEX at Star Tollways sa pagsasagawa ng team workouts sa Batangas City.

Para sa PBA, walang problema ang lokasyon ng training. Ang importante eh maghanda ang mga koponan sa target na Season 46 kickoff sa Hunyo.

Isa pang mahalaga ay ang pagsunod sa guidelines ng Joint Administrative Order na pipirmahan ng Department of Health, Games and Amusements Board at Philippine Sports Commission.

Ibayong pag-iingat pa rin ang kailangan lalo na’t nakapila pa sila sa listahan ng dapat unahin sa vaccination program ng gobyerno.

Ingat!

vuukle comment

MVP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with