_pang-masa
^

PBA gusto na ring mag-scrimmage

Chris Co (Pang-masa) - May 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung magiging maa-yos ang takbo ng training ng mga teams sa Batangas, target ng Philippine Basketball Association (PBA) na maumpisahan na rin agad ang scrimmage sa Mayo 16.

Nakatakdang maki-pagpulong ngayong araw ang mga kinatawan ng PBA sa pangunguna ni commissioner Willie Marcial sa local government unit sa Batangas para ila-tag ang kanilang plano sa trraining ng mga koponan.

Kung magiging maayos ang lahat, nais din ng liga  na maka-pag-scrimmage kung pahihintulutan ng Inter-Agency Task Force. (IATF). Malaki rin ang posibilidad na sa Batangas idaos ang PBA Season 46 Philippine Cup.

Sumang-ayon ang Batangas City na magamit ng PBA ang Batangas City Coliseum at Batangas State University Gym sa pagbabalik-ensayo ng mga koponan na maaa-ring simulan agad kung okay na ang mga health protocols ng LGU at ang sariling health protocols ng PBA na nakasaad sa Joint Administrative Order (JAO) mula sa Games and Amusements Board, Department of Health at Philippine Sports Commission.

Inaasikaso na rin ng ilang teams ang pagdaraos ng training sa iba lugar tulad ng Ilocos Norte at sa oras na okay  na ang lahat ng requirements, umaasa ang PBA na maaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsisimula ng scrimmages.

Base sa IATF, sa Mayo 14 pa matatapos ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na ipinatutupad nito sa buong NCR plus bubble na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal at umaasa si Marcial na sa oras na bumaba ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa NCR plus bubble ay ibababa rin sa mas magaan na community quarantine ang rehiyon.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with