^

PM Sports

May kausap na naman ang Team Pacquiao

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakaabang na naman ang buong sambayanan sa pangalan ng makakalaban ni eight-division world champion Manny Pacquiao matapos maudlot ang plano sanang laban kontra kay World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford.

Nauna nang nagsulputan ang balita na kasado na ang salpukan nina Pacquiao at Crawford sa Hunyo sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Subalit ayon kay Top Rank Promotions chief Bob Arum, hindi ito natuloy dahil sa kakulangan sa sponsor.

Kaya naman balik sa negosasyon ang kampo ni Pacquiao para sa kanyang susunod na laban.

Kinumpirma ni Pacquiao kasalukuyang may humuygulong na negosasyon para tuluyan nang maikasa ang kanyang pagbabalik-aksiyon.

Hindi nagbigay ng iba pang detalye si Pacquiao dahil ang Paradigm Sports na ang maglalabas ng statement.

Ang Paradigm Sports ang humahawak sa kaniyang boxing career.

“The negotiations are ongoing. I will not go into details so that there will not be any problems,” ani Pacquiao.

Hindi rin nabanggit ang usapin sa retirement.

“We won’t answer that for now, because that is part of the negotiations. That will be included in the announcement,” dagdag ng Pinoy champion.

Muling nakasentro ang atensiyon ng lahat kay dating world champion Mikey Garcia na posibleng makaharap ni Pacquiao.

Matatandaang noong nakaraang linggo, naglabas ng teaser ang business ma-nager ni Pacquiao na si Arnold Vegafria sa kanyang Instagram account para sa Pacquiao-Garcia fight.

Napaulat na sa Agosto ito target ganapin kung saan mananatiling sa Dubai, United Arab Emirates ang target na maging venue ng laban ngunit hindi rin isinasantabi ni Pacquiao ang posibilidad na sa Amerika ito gawin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with