^

Gilas 3x3 training sa Calambubble

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - April 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sasalang na sa ensayo ang Gilas Pilipinas 3x3 sa susunod na linggo sa loob ng bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para sa nalalapit na FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament sa Graz, Austria.

Binasbasan na ng PBA at mga mother ball clubs ang request ng SBP sa training ng 3x3 Nationals na bubuuin nina CJ Perez at Mo Tautuaa ng San Miguel kasama ang mga rookies na sina Joshua Munzon ng Terrafirma at Alvin Pasaol ng Meralco para sa krusyal na OQT sa Mayo 26-30.

Kasama rin sa training pool sina Santi Santillan ng Rain or Shine at free agent na si Karl Dehesa.

Bilang bahagi ng NCR Plus bubble ay nasa ilalim pa ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang sa katapusan ng Abril ang Laguna kung saan hindi pa pinapayagan ang anumang sports activities tulad ng training.

Pero noong nakaraang linggo ay naglabas na ng resolusyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na pumapayag sa training ng national athletes doon lalo na para sa mga naghahanda sa paparating na Tokyo Olympics sa Hulyo at sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam sa Nobyembre.

Sakali namang bumalik na sa General Community Quarantine ang Metro Manila ay ililipat ang training ng Gilas 3x3 dito upang sabay na makapagsanay ang Gilas 3x3 players sa kanilang mga mother teams para sa pagbubukas ng PBA Season 46.

Lilipad naman pa-Austria ang Gilas isang linggo bago ang FIBA 3x3 OQT na magiging pambihirang tsansa ng Pinas upang makapasok sa Olympics bukod pa ang sariling qualifiers ng 5-on-5 sa Hunyo sa Belgrade, Serbia.

Tanging ang top-3 teams lang sa 20-squad OQT ang aabante sa Tokyo Summer Games sa Hulyo. Ka-grupo ng Gilas sa Pool C ang Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic.

Samantala, umaasa ang PBA na mabubuksan din  ang inaugural na 3x3 tournament na bubuuin ng 16 koponan sa pangunguna ng 10 original franchises. Hindi muna kasali ngayon ang Blackwater at Alaska.

 

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with