^

ARQ Builders-Lapu-Lapu 2-0 sa VisMin Cup Visayas

(Pang-masa) - April 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinibat ng ARQ Builders-Lapu-Lapu ang Dumaguete, 67-57 para sa ikalawang sunod na panalo sa makasaysayang Chooks-to-Go – Pilipinas VisMin Super Cup Visayas Leg sa Alcantara, Cebu.

Naglista ng 14 puntos si Ferdinand Lusdoc upang bumida sa Heroes na umangat sa 2-0 baraha ng seven-team Visayas Leg matapos ang 66-46 panalo kontra sa Siquijor noong Sabado.

Nagdagdag ng 12 puntos, apat na rebounds at tatlong assists si Reed Juntilla habang may siyam na markers at anim na assists naman ang kapitan na si Jerick Cana-da upang patunayan ang kanilang kalibre bilang dating PBA standouts.

Matapos dumikit ang Dumaguete sa 54-61 sa huling dalawang minuto hindi nila ito nasustinihan para sa maalat na 0-2 simu-la sa VisMin Super Cup.

Nauwi sa wala ang 20 puntos at apat na rebounds ni John Monteclaro para sa Warriors. Nag-ambag din ng 12 at 10 puntos sina Mark Doligon at Jerick Nacpil, ayon sa pagkakasunod.

VISMIN CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with