^

De Luna, Gomez may misyon sa World Cup of Pool

Chris Co (Pang-masa) - April 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target nina Jeffrey De Luna at Roberto Gomez na masikwat ang ikaapat na titulo ng Pilipinas sa prestihiyosong World Cup of Pool na idaraos sa Mayo 9 hanggang 14 sa Stadium MK sa England.

Kahapon, pinangalanan ng World Cup of Pool organizers sina De Luna at Gomez upang maging kinatawan ng Pilipinas sa naturang world meet.

Magtatampok ang World Cup of Pool ng 32 pairs mula sa iba’t ibang panig ng mundo para paglabanan ang tumataginting na $250,000 kabuuang papremyo.

Pilipinas ang pinakamatagumpay sa kasaysayan ng World Cup of Pool matapos makalikom ng tatlong titulo, dalawang runner-up at dalawang semifinalis finishes sa mga nakalipas na edisyon ng torneo.

Sa taong, ito mapapalaban ng husto sina De Luna at Gomez dahil kumpirmado na ang partisipasyon nina reigning champions Albin Ouschan at Mario He ng Austria. Tutumbok din ang pambato ng Russia (Fedor Gorst at Sergey Lutsker), Netherlands (Niels Feijen at Marc Bijsterbosch), Japan (Naoyuki Oi at Masato Yoshioka), Great Britain A (Jayson Shaw at Chris Melling) at iba pa.

 

WORLD CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with