^

PSC lockdown muna

Russell Cadayona (Pang-masa) - April 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipatutupad mula nga-yon ng Philippine Sports Commission (PSC) ng 10-day lockdown sa kanilang mga administration offices para magsagawa ng disinfection at cleansing.

Ito ay matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang 63 nilang empleyado na nagtatrabaho sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila at sa PhilSports Complex sa Pasig City.

“We hope to break the transmission during those days, to arrest the spread of COVID-19 among our employees,” ani PSC Chief of Staff Marc Velasco sa inaprubahang lockdown ng Malacañang.

Ang PhilSports Complex, Rizal Memorial Coliseum at Ninoy Aquino Stadium na ginagamit bilang quarantine facilities at swab testing centers, ay magpapatuoy ng  operaras-yon dahil ang mga pasilidad na ito ay nasa panga-ngalaga ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Si PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez at iba pang PSC Commissioners ay kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa PhilSports Complex.

Nagsasagawa na ang sports agency ng contact tracing para matukoy kung ilan pa nilang kawani ang dapat mag-quarantine.

Noong nakaraang buwan ay 18 PSC staff ang nagpositibo sa COVID-19 habang 91 pang iba ay pinag-quarantine makaraang makasalamuha ang mga  nagka-covid.

Bubuo si PSC Executive Director Atty. Guil-lermo Iroy ng skeletal workforce na kinabibilangan ng 15 personnel para sa pang- araw-araw na operasyon at maintenance ng mga opisina sa RMSC at Philsports Arena.

Ang iba pang emple-yado ay magpapatuloy sa kanilang mga trabaho via work from home scheme para hindi madiskaril ang mga aktibidad ng komisyon kasama na ang paglalabas ng buwanang suweldo ng mga kawani at allowances ng mga national athletes.

Kamakailan ay hinika-yat ni PSC Commissioner Ramon Fernandez, ang Chef De Mission ng Team Philippines para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam, ang mga National Sports Associations (NSAs) na humanap ng ibang training venues sa labas ng NCR bubble upang makapag-training ang kanilang mga atleta para sa papalapit nang SEA Games. 

 

PSC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with