^

PM Sports

Middleton bida sa panalo ng Bucks

Pang-masa

ORLANDO, Fla. — Umiskor si Khris Middleton ng 21 points at may 16 markers si Bobby Portis kasama ang apat na three-pointers para banderahan ang Milwaukee Bucks sa 124-87 pagdomina sa Magic.

Tinapos ng Bucks (33-20) ang kanilang three-game losing skid sa kabila ng hindi paglalaro ng kanilang star player na si Giannis Antetokounmpo na may namamagang kaliwang tuhod.

Nagtala rin si Middleton ng 8 rebounds at 5 assists para sa Milwaukee na nagsalpak ng kabuuang 19 triples para sa kanilang ikaanim na sunod na paggupo sa Orlando (17-36).

Pinamunuan ni Mo Bamba ang Magic, nalasap ang pang-limang sunod na kamalasan, sa kanyang career-best na 21 points.

Sa Denver, gumamit ang Boston Celtics (28-26) ng 31-3 atake sa second half para kunin ang 105-87 panalo at pigilin ang eight-game winning streak ng Nuggets (34-19).

Pinangunahan ni Jayson Tatum ang Celtics sa kanyang 28 points dalawang araw matapos kumamada ng career-best na 53-points laban sa Minnesota Timberwolves.

Sa Los Angeles, naghulog si Paul George ng 32 points para akayin ang Clippers (37-18) sa 131-124 paggupo sa Detroit Pistons (16-38).

vuukle comment

MILWAUKEE BUCKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with