PHILRACOM Stakes Races may petsa na

MANILA, Philippines — Inurong ang 2021 Commissioner’s Cup sa April 11 matapos itong maudlot noong Marso 21 dahil sa pagkansela ng karera.

Nag-post ang Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ng schedule ng stakes races sa kanilang Facebook page.

Ilalarga sana ang nakanselang stakes race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sa naganap na pagpupulong ng Commission Board noong Lunes, napagkasunduan na pakawalan ang nakanselang stakes race sa darating na April 11 sa parehong venue.

“Please be informed that the Commission Board has revised the schedule of the following 2021 PHILRACOM Stakes Races during their 29, March 2021 board meeting.

Inurong din ang ibang petsa ng stakes races tulad ng PHILRACOM 1st Leg 3-Year-Old Maiden Race na ilalarga sana sa April 4 pero nailipat na ito sa April 25 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Nausog din 2nd Leg ng 3YO Maiden race sa Mayo 23 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, na ang orihinal na petsa ay Mayo 2.

Marso 20 nang magsimulang makansela ang karera at diniretso hanggang Marso 31,  ito’y dahil sa muling paghihigpit ng gobyerno sa health at safety protocols.

 

Show comments