^

76ers bandera pa rin sa East

(Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

PHILADELPHIA — Humataw si reserve Shake Milton ng 26 points habang may 19 markers si Furkan Korkmaz para tulungan ang 76ers sa 130-114 paggupo sa Indiana Pacers.

Humakot si star center Joel Embiid ng 24 points at 13 rebounds at nagdagdag si Ben Simmons ng 18 points at 6 boards para sa Philadelphia (23-12) na nangunguna sa Eastern Conference.

Pinamunuan ni forward Domantas Sabonis ang Indiana (15-18) sa kanyang 15 points, 9 boards at 7 assists.

Sa New Orleans, naglista si Zion Williamson ng 26 points, 10 rebounds at 5 assists para banderahan ang Pelicans (15-19) sa 129-124 pagtakas sa NBA-leading Utah Jazz (27-8).

Nagsalpak si Bojan Bogdanovic ng pitong three-point shots para tumapos na may game-high 31 points sa panig ng Jazz.

Sa San Antonio, tumapos si James Harden na may triple-double sa kanyang 30 points, 14 boards at 15 assists para akayin ang Brooklyn Nets (23-13) sa 124-113 overtime win sa Spurs (17-13).

Sa Chicago, kumolekta si Nikola Jokic ng 39 points at 14 rebounds para sa 118-112 paghuli ng Denver Nuggets (19-15) sa Bulls (15-18).

Sa Orlando, kumayod si Luka Doncic ng 33 points, 10 rebounds at 9 assists habang may 17 markers si Kristaps Porzingis para sa 130-124 paggupo ng Dallas Mavericks (17-16) sa Magic (13-22).

Sa Houston, nagpasabog si Collin Sexton ng 39 points para ihatid ang Cleveland Cavaliers (14-21) sa 101-90 pagpapabagsak sa Rockets (11-22).

76ERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with