^

PM Sports

Abanse negrense sa semis

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inilampaso ng Abanse Negrense-1 ang Toby’s Sports sa bendisyon ng 21-12, 21-11 demolisyon upang masungkit ang unang tiket sa semifinals ng 2021 Gatorade-Beach Volleyball Challenge Cup kahapon sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sand courts.

Naging sandalan nina Abanse Negrense-1 bets Alexa Polidario at Erjan Magdato ang malalim nitong karanasan para mabilis na dispatsahin ang tambalan nina Jonah San Pedro at Javen Sabas ng Toby’s Sports.

“Everyday ang training namin sobrang pinaghandaan namin ito.  Minsan pressured din kami kapag alam namin na ‘yung kalaban medyo malakas din. Pero ginagawa lang namin ‘yung pinag-aralan namin,” ani Polidario

Nakuha ng Abanse Negrense-1 ang top seeding sa Pool A  matapos walisin ang lahat ng tatlong asignatura nito sa group stage.

 Pumangalawa sa Pool A ang Sta. Lucia-2 na may 2-1 marka kasunod ang F2 Logistics (1-2) at Kennedy Solar Energy-Petro Gazz (0-3).

Sa Pool B, nangibabaw ang Abanse Negrense-2 na nagtala rin ng perpektong 3-0 marka habang pumangalawa ang Sta. Lucia-1 (2-1) kabuntot ang United Auctioneers (1-2) at Toby’s Sports (0-3).

Lalaruin ngayong araw ang semifinals at finals.

vuukle comment

BEACH VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with