^

Ang pagbabalik ng volleyball

Chris Co (Pang-masa) - February 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula na ang mainit na bakbakan tampok ang matitikas na beach volleybelles sa bansa sa pagsambulat ngayong araw ng 2021 Gatorade-Beach Volleyball Challenge Cup sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sand courts.

Walong koponan ang magsasalpukan para sa korona kung saan hahatiin ito sa dalawang grupo — Pool A at Pool B.

Nasa Pool A sina Jenny Mar Senares at Kyla Angela Gallego ng F2 Logistics, Ariane Luna Alarcon at Christina Canares ng PetroGazz, Bang Pineda at Jonah Sabete  ng Sta. Lucia-2 at sina Alexa Polidario at Erjan Magdato ng Abanse Neg-rense-1.

Pasok naman sa Pool B sina DM Demontano at Jackie Estoquia ng Sta. Lucia-1, Ella Viray at Theresa Ramas ng United Auctioneers, Jennifer Cosas at Gelimae Villanueva ng Abanse Negrense-2 at sina Jonah San Pedro at Javen Sabas ng Toby’s Sports.

Maglalaro ang bawat koponan ng round robin sa kani-kanyang pool para madetermina ang ranking sa crossover quarterfinals.

Unang masisilayan ang hatawan ng F2 Logistics at PetroGazz sa alas-8 ng umaga kasunod ang duwelo ng United Auctioneers at Abanse Negrense-2 sa alas-9.

Muling sasalang ang F2 Logistics kontra naman sa Abanse Negrense-1 sa alas-10 at ang United Auctioneers at Toby’s Sports sa alas-11.

Sa aftenoon session, papalo ang salpukan ng Sta. Lucia-2 at Abanse Negrense-1 sa alas-2 kasunod ang laro ng Sta. Lucia-1 at Toby’s Sports sa alas-3, Sta. Lucia-2 at PetroGazz sa alas-4, at Sta. Lucia-1 at Abanse Negrense-2 sa alas-5.

Magpapatuloy ang classification round bukas ng umaga habang lalaruin naman ang quarterfinals simula alaas 2 ng hapon. Sa linggo ang semifinals at finals.

OLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with