^

Pacquiao-Crawford, malaki ang posibilidad -- Arum

Chris Co (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na matuloy ang bakbakan nina eight-division world champion Manny Pacquiao at World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford.

Mismong si Top Rank Promotions chief Bob Arum na ang nagkumpirma dahil alam ng kampo ni Crawford na mas malaki ang kikitain nito sa Pacquiao fight.

Kaya naman pangalan ni Pacquiao ang numero unong nasa listahan ni Crawford.

“Obviously, it’s more money for Terence. Terence would prefer a Pacquiao fight than anyone else,” ani Arum sa panayam ng Barbershop Conversations.

Magkakaalaman na ngayong linggo kung si Crawford nga ba ang tinutukoy ni Pacquiao na makakalaban nito sa isang mega blockbuster fight.

Ayon kay Arum, inaasahang malalaman ngayong linggo kung matutuloy ang Pacquiao-Crawford.

“We’re going to see what happens, and we’ll know this week whether Pacquiao-Crawford can happen,” ani Arum.

Naglabasan sa ilang ulat noong nakaraang linggo na $40 million ang hihinging paycheck ni Pacquiao para labanan si Crawford.

Sa kabilang banda, tatanggap naman ng $10 million si Crawford.

Ngunit inaasahang lolobo pa ang kikitain sa pay-per-view kung saan tunay na humahatak ang Pinoy champion ng viewers mula sa iba’t ibang panig ng mundo kaya pag-uusapan din kung ano ang magiging hatian sa pay-per-view sales.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with