^

PM Sports

Kumpletos rekados na kaya ang Bolts?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Ang husga noon ng mga miron sa Meralco, sila eh kulang lang ng isang maayos na big man upang maging contender sa PBA All-Filipino tourney.

Sa pagdating ni Raymond Almazan, nagkatotoo ang husgang ito.

Na-achieve nila ang breakthrough semifinal stint sa nakalipas na Philippine Cup bubble play at kinulang lang ng ilang hibla para pataubin ang eventual champion na Barangay Ginebra sa semis knockout duel.

Mas lalakas ang Meralco sa pagpasok ni Mac Belo, stretch four na magdaragdag pangil sa frontline ni coach Norman Black.

Ang siste eh mawawalan sila ng steady pre­sence sa point guard posisyon kung matutuloy ang lipat ni Baser Amer sa Blackwater.

Pero ang tingin ko, nakasilip at nakakita na ang mga Bolts sa draft pool ng materyales na magdaragdag lalim pa sa kanilang frontcourt at hahalili sa posisyong iiwan ni Amer.

Kung makuha ang mga ito, maaaring manatiling contender at malagpasan pa nila ang fourth-place finish sa Season 45 All-Filipino.

Ambisyon ito ng koponan na patuloy na naghahabol na makahugot ng unang titulo sa pro league.

Tatlong beses nang losing finalist sa PBA Governors Cup sa tulong ni import Allen Durham, pero ’di pa sinuwerteng maabot ang rurok ng tagumpay.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with