^

PM Sports

Sotto pinayagan ng NBA G League

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mas basbas ng NBA G League ang Gilas Pilipinas stint ni Kai Sotto sa FIBA Asia Cup Qualifiers na lalarga sa susunod na buwan sa Clark, Pampanga.

Ito ang tiniyak ng kampo ni Sotto kung saan nagpaalam muna sa liga bago ilabas ang kanyang statement kamakalawa sa isang video sa social media na babalik ito sa Pilipinas para sumalang sa FIBA qualifiers.

Ayon kay East West Private Chief Executive Officer Maria Espaldon, pinayagan ng G League si Sotto ngunit kailangan nitong bumalik agad sa Amerika sa oras na matapos ang mga laro ng Gilas Pilipinas.

Nakatakdang harapin ng Pilipinas ang South Korea sa Pebrero 18 at 22 at ang Indonesia sa Pebrero 20.

Inaasahang lalarga agad pa-Amerika si Sotto sa Pebrero 23 upang makasama ang Ignite sa kampanya nito sa G League.

Pagdating sa Amerika, sasailalim pa sa swab test at quarantine si Sotto bago tuluyang makasama ang kanyang koponan.

Hindi mahigpit ang G League sa mga usapin sa national team. Magugunitang pinahintulutan nito si Princepal Singh na lumaro para sa Indian national basketball team sa second window ng qualifiers noong Nobyembre.

 

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with