^

Dagdag puntos sa Gilas; bawas at multa sa Korea

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - January 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tumataginting na CHF 160, 000 o P8.6 milyon multa ang ipinataw ng FIBA Disciplinary Panel  sa South Korea at dalawa pang ibang bansa bunsod ng pag-liban sa ikalawang window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers noong Nobyembre sa Manama City sa Bahrain.

Bilang dagdag na parusa ay mababawasan din ng tig-dalawang puntos ang mga teams na ‘di lumaro sa Bahrain. Ang kalahati sa deduction na isang puntos ay ibibigay sa mga ka-grupo nilang maglalaro sa huling window.

Hawak ang 3-0 baraha at anim na puntos, nasa tuktok ngayon ng Group A ang Gilas kasunod ang SoKor (2-0, 4 pts), Indonesia (1-2, 4 pts) at Thailand (0-4, 4pts) papasok sa krusyal na window sa Clark, Pampanga.

Ang kalahati sa naturang multa ay paghahatian ng mga kagrupo nilang koponan na lalahok sa huli at ikatlong window sa Pebrero 18-22 na gaganapin sa bubble hosts na Pilipinas, Japan at Bahrain.

Nasa Group A ang SoKor kasama ang Gilas Pilipinas, Thailand at Indonesia habang magkapangkat sa Group B ang China at Chinese Taipei kasama ang Japan at Malaysia.

Bunsod ng banta ng pandemya, hindi muna sumali ang South Korea, China at Chinese Taipei sa pagbabalik ng FIBA Asia Cup Qualifiers noong nakaraang Nobyembre matapos ang walong buwang pahinga simula nang matigil ang kompetisyon noong Pebrero.

Mapapalaban ng apat na beses ang SoKor sa Group A kontra sa Gilas sa Pebrero 18 at 22 gayundin kontra Indonesia at Thailand sa Pebrero 19 at 20, ayon sa pagkakasunod. Bigating schedule rin ang haharapin ng China at Chinese Taipei sa Group B bunsod ng hindi paglalaro sa ikalawang window.

Inaasahang madadagdagan ang Gilas gayundin sa Indonesia at Thailand ng isang puntos kung makakalaro silang lahat sa nalalapit na ikatlong window dito, ayon sa utos ng FIBA gayundin sa mga ka-grupo ng China at Chinese Taipei.

Bagama’t malaking tulong ito sa Gilas na isang panalo nalang ang kaila-ngan upang makapasok sa Asia Cup na Jakarta sa Agosto, mas malaking bagay ito para sa Indonesia at Thailand na nais masingitan ang SoKor sa segunda puwesto ng Group A.

 

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with