^
Diaz pasok na sa Olympics kung sisipot sa Tashkent
Hidilyn Diaz

Diaz pasok na sa Olympics kung sisipot sa Tashkent

Russell Cadayona (Pang-masa) - January 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang halos isang taon na paghihintay ay posible nang makamit ni lady weightlifter Hidilyn Diaz ang kanyang inaasam na ikaapat na Olympic Games appearance.

Kailangan lang magpakita ni Diaz sa Asian Weightlifting Championships, isang Olympic qualifying event, na nakatakda sa Tashkent, Uzbekistan sa Abril 15-25 upang pormal na makapasok sa 2021 Tokyo Olympics na idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto 4.

Bilang World No. 2 sa kasalukuyan ay kailangan lamang ng 2016 Rio de Janeiro Olympic silver me-dalist na sumali sa nasabing torneo. Anim na International Weightlifting Federation-sanctioned events ang required na lahukan para mag-qualify sa women’s 55-kilogram division at lima pa lang ang nasasalihan ni Diaz.

Matatandaang naudlot ang pagsalang ng tubong Zamboanga City sa kanyang ikaanim na torneo noong 2020 nang ipagpaliban ang mga qualfying events dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Makaraang kunin ang gold medal sa Southeast Asian Games noong Disyembre ng 2019 ay bumiyahe si Diaz sa Kuala Lumpur, Malaysia para paghandaan ang mga Olympic qualfiying tournament ngunit dahil sa COVID-19 pandemic ay na-stranded si Diaz at hindi na nakabalik ng Pilipinas.

Sasabak din sa Olympic qualifying sa Tashkent, Uzbekistan sina Kristel Macrohon, Nestor Colonia, John Ceniza, Elreen Ando at Maryflor Diaz.

 

 

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with