^
Munzon sali na rin sa 2021 PBA Draft
Joshua Munzon

Munzon sali na rin sa 2021 PBA Draft

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Pasok na rin sa 2021 PBA Rookie Draft top prospect at 3x3 standout na si Joshua Munzon matapos magpasa ng kanyang aplikasyon kahapon sa PBA Office sa Libis, Quezon City.

Si Munzon ang numero unong 3x3 player sa bansa mula sa Chooks-to-Go Pilipinas at sasamahan ngayon ang mga kapwa 3x3 aces na sina Alvin Pasaol, Santi Santillan, Troy Rike at Franky Johnson sa bigating PBA Draft sa Marso 14.

Isa ang 6-foot-5 wingman sa inaasahang babandera sa draft class kasama si Jaime Malonzo na inaabangan na ring magsumite ng aplikasyon bago ang deadline sa Enero 27.

Solido ang kalibre ni Munzon na bukod sa magilas na 3x3 stint ay nagpasiklab din siya sa ASEAN Basketball League para sa Saigon Heat at Westports Malaysia Dragons

Noong 2019, dinomina niya rin ang PBA D League bilang no.1 overall draft pick ng AMA Online Education na binuhat niya sa likod ng pambihirang 35.0 puntos, 10.0 rebounds at 4.2 assists.

Kabuuang 42 manlalaro na ngayon ang kasali sa PBA draft na sinasabing pinakamalalalim sa mga nakalipas na taon bunsod sa inaasahang dadagdag pang talento mula sa overseas, UAAP, NCAA at iba pa.

Ilan pa sa pasok na sa draft ay sina Andre Paras, Andrei Caracut, RK Ilagan, Ben Adamos, Anton Asistio, Jed Mendoza, Joshua Torralba, Tyrus Hill, Nick Demusis Jun Bonsubre at Tzaddy Rangel.

PBA DRAFT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with