Philadelphia nangunguna

PHILADELPHIA — Sa unang season ni Doc Rivers bilang head coach ay naiposte ng 76ers ang NBA-leading 6-1 record.

Nagpaputok si Tobias Harris ng 22 points para pangunahan ang Philadelphia habang humakot si center Joel Embiid ng 14 markers at 11 rebounds para akayin ang Philadelphia sa 118-101 pagwasiwas sa Charlotte Hornets.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng 76ers at winalis ang kanilang two-game match-up ng Hornets.

“The main thing we have is Joel,” wika ni Rivers sa 7-foot-2 nilang star center. “Joel sets the table for us.”

Nagdagdag si Ben Simmons ng 12 points at 10 rebounds para sa Philadelphia habang may 13 markers si Danny Green tampok ang tatlong three-point shots.

Binanderahan ni Gordon Hayward ang Charlotte sa kanyang 18 points kasunod ang 15 markers ni Devonte’ Graham.

Sa Orlando, nagsalpak si Aaron Gordon ng anim na triples at tumapos na nmay season-high 24 points sa 103-83 pagrapido ng Magic sa Cleveland Cavaliers.

Sa Milwaukee, humataw si Giannis Anteto-kounmpo ng 43 points para banderahan ang 125-115 paggupo ng Bucks sa Detroit Pistons.

Sa New Orlenas, tumapos si Malcolm Brogdon na may 21 points at 11 assists para tulungan ang Indiana Pacers na talunin ang Pelicans, 118-116.

 

Show comments