^

Draft order hihimayin pa

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - December 29, 2020 - 12:00am

Papayagan ba ang mga Pinoy players na may dual citizenship na awtomatikong makasali sa parating na PBA Rookie Draft?

Muli bang magre-request ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na kumuha ng Gilas prospects mula sa mga players na mag-a-apply sa parating na draft exercise?

Ito ang mga krusyal na usapin sa parating na PBA board meeting. At ito ang kasama sa magdidikta sa draft order.

Sa ngayon eh hindi pa siguradong sa TerraFirma ang top draft rights kahit na kulelat sila sa nakaraang PBA Philippine Cup bubble play sa Clark, Pampanga.

Pero malamang naman na hindi sila madedehado dahil nga worst performer sila. Kasama nilang nangulelat ang NorthPort (1-10), kasunod ang Blackwater (2-9).

Topnotcher sa elims ang eventual champion na Barangay Ginebra (8-3) kasama ang Phoenix Pulse (8-3). At nakadikit ang mga susunod na koponan na TNT Tropang Giga (7-4), San Miguel Beer (7-4), Meralco (7-4), Alaska (7-4), Magnolia (7-4), Rain or Shine (6-5) at NLEX (5-6).

Kung papayagang masali ang mga Fil-foreigners kahit na hindi maka-submit ng Department of Immigration certificate of recognition at Department of Justice affirmation, lalalim ang draft pool.

Kasama raw sa mga Fil-foreigners na Philippine passport holder pero walang DI certificate at DOJ affirmation sina 6-foot Jason Brickman, 6-4 Jeremiah Gray at 6-7 Brandon Rosser.

Nakapag-submit na ng draft application papers si Brickman, premyadong playmaker mula Long Island University-Brooklyn.

Pero ang tanong nga ay kung papayagan masali kahit wala ang ilang pertinenteng dokumento.

 

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with