^

Pringle, Abueva, Parks rumble

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - December 25, 2020 - 12:00am

Itinakda ng PBA sa Jan. 17 ang kanilang special event kung saan bibigyan ng parangal ang mga top individual performers sa kanilang PBA Philippine Cup bubble play sa Clark, Pampanga.

Sa pagtatapos ng elimition play, toss-up ang laban para sa Player of the Conference sa pagitan ni Matthew Wright ng Phoenix Pulse at Bobby Ray Parks ng TNT Tropang Giga.

Pero parehong tinamaan ng injury.

At nabago ang lagay ng timbangan pagdating ng playoffs dahil dumagundong ang ratsada nina Stanley Pringle ng Barangay Ginebra at Calvin Abueva ng Phoenix.

Pasok din sa candidates’ list sina RR Pogoy ng TNT at Christian Standhardinger ng NorthPort.

Pero mukhang sina Pringle, Abueva at Parks ang malamang na magbabakbakan sa botohan.

Malaking bentahe ni Pringle na sila ang nag-uwi ng bubble crown.

Si Parks ang nanguna sa stats race, samantalang sentimental bet si Abueva dahil sa matinding ipinakita kahit na galing sa matagal na indefinite suspension.

Virtual awards ceremony ang magaganap, kung saan igagawad din ang Special Five, Most Improved Player at Sportsmanship Award winner.

Ang awards rites na ito ang panimula ng PBA activities sa taong 2021.

Sa Abril sisimulan ang Season 46. At kung hindi mauunsyami ang plano, mas mauuna ang launch ng PBA 3x3 sa Pebrero o Marso.

CALVIN ABUEVA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with