Waiting na lang si Kiyomi

Kiyomi Watanabe

MANILA, Philippines — Kailangang pang hintayin ang formal announcement ng International Judo Federation (IJF) sa Hunyo ng susunod na taon para opisyal nang masabing makakalaro si Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe sa 2021 Olympic Games.

Dahil sa kanyang kasaulukuyang pagiging World No. 23 ay isa nang automatic qualifier si Watanabe sa kanyang weight class na women’s 63-kilogram, ayon kay Philippine Judo Federation president David Carter.

“Although the formal announcement will be made by the IJF on the first week of June, Kiyomi is continental qualified,” paniniwala ni Carter. “Kung puputulin na iyong qualfiying events ngayon, pasok siya sa Olympics.”

Maliban kay Watanabe, tumatarget din ng Olympic spot sa judo competition ang magkapatid na Fil-Japanese na sina Shugen at Keisei Nakano.

Isa ang 24-anyos na si Kiyomi, nagdomina sa women’s 63kg. division ng Southeast Asian Games noong 2013 (Napyidaw), 2015 (Singapore), 2017 (Kuala Lumpur) at 2019 (Manila), sa mga malaki ang pag-asang makakuha ng tiket sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan.

Ang iba pa ay sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz (weightlifting), 2018 Asian Games gold medal winner Margielyn Didal (skateboarding) at 2019 World Champion Nesthy Petecio (boxing).

Show comments