^
Pinatulan na ni Diaz ang bakal sa pintuan
Hidilyn Diaz

Pinatulan na ni Diaz ang bakal sa pintuan

Nilda Moreno (Pang-masa) - December 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pahirapan pa rin ang galawan sa Malaysia dahil sa lockdown kaya naman kaila-ngan maging maabilidad upang mabuhay.

Apektado si 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz na hindi nakakapag-ensayo ng maayos matapos isailalim sa modified community quaran-tine, (MCQ) ang Malaysia.

Desididong sumikwat si 29-year-old Diaz ng gintong medalya sa 2021  Olympic Games kaya gumawa ito ng paraan para hindi mahinto ang kanyang training at pagpapakundisyon.

Ipinakita ni Zamboanga native Diaz ang video nito sa kanyang Instagram account na ginamit ang bakal sa pintuan upang makapag-excercise. “Pati gate hindi pinalampas ‘yan ang atletang Pilipino ‘di sinusuko at madiskarte” caption ni Diaz.

Ginawa ring barbel ni Diaz ang dalawang ma-laking plastic bottles na puno ng tubig at istik.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with