^

PM Sports

Fajardo, Aguilar, Pogoy kailangan sa Gilas sa 3rd window

John Bryan Ulanday - Pang-masa

SMART CLARK GIGA CITY, Philippines — Ina-asahan ang tulong ng mga beteranong tulad nina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar at RR Pogoy para sa Gilas Pilipinas sa ikatlong window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers pagkatapos ng PBA Bubble.

Bagama’t impresibo ang naging kampanya ng All-Cadet Gilas team sa ikalawang window sa Bahrain kontra sa Thailand noong nakaraang linggo, kailangan pa rin ang tulong ng PBA standouts ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio.

Buo naman ang suporta ng PBA Board of Governors dito, ayon kay Commissioner Willie Marcial, matapos ang kanilang pagpupulong kaya’t iniurong din ang pagbubukas ng 46th Season sa Abril, 2021.

Kasalukuyan pang nasa PBA Finals dito sa bubble sina Aguilar ng Ginebra at Pogoy habang malapit nang magbalik mula sa season-ending shin injury si Fajardo na makakasama pa ang ibang Gilas veterans sa pagpapalakas sa batang Nationals.

Sandata ang kanilang karanasan sa international stage at tibay mula sa dalawang-buwang pananatili sa PBA bubble, handa ang mga aatasang PBA veterans upang mapanatili ng Gilas ang 3-0 kartada kontra sa Indonesia at South Korea sa Pebrero.

 

vuukle comment

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with