^

PM Sports

Impresibo ang bagitong Gilas squad

Chris Co - Pang-masa
Impresibo ang bagitong Gilas squad

MANILA, Philippines — Nakakuha ng mataas na marka mula sa coaching staff ang bagitong Gilas Pilipinas matapos ang matagumpay na kampanya nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Manama, Bahrain.

Wala pang isang buwan na magkakasama ang koponan na nabuo lamang noong Nobyembre 13 dagdag pa ang ilang buwang pagkakatengga ng mga players dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ngunit hindi nakitaan ng pangangalawang ang Gilas Pilipinas.

Lutang na lutang din ang chemistry ng tropa na nagresulta sa magandang laro nito kontra sa Thailand.

Naging armas pa ng Gilas Pilipinas ang pagi-ging “young team” nito dahil mas naging mabilis ang kilos ng lahat sa loob ng court laban sa Thailand na binubuo ng mga professional players.

Kaya naman huma-nga ng husto ang buong coaching staff sa ipinamalas ng bagitong Gilas Pilipinas.

Isa na rito si Gilas Pilipinas head coach Jong Uichico na hindi inaasahang maglalatag ng malakas na puwersa ang kanyang bataan.

“I was pleasantly surprised with their performance,” ani Uichico.

Partikular na lumutang sa second window si Dwight Ramos na humakot ng 20 puntos sa 93-61 panalo ng Gilas Pilipinas sa kanilang unang pagsalang kontra sa Thailand noong Biyernes.

Nakatakdang harapin ng Gilas ang Thais sa ikalawang pagkakataon kagabi.

Malaki ang potensiyal ni Ramos na inaasahan ni Uichico na magtutuluy-tuloy sa mga susunod na labang haharapin ng Gilas Pilipinas kasama ito.

“I just try and play and do everything that our coaches say,” ani Ramos.

Nabigyan ng pagkakataon na makapaglaro ang lahat ng miyembro ng Gilas Pilipinas upang magkaroon ang mga ito ng karanasan na masilayan sa aksiyon sa isang international tournament.

Nais ni Uichico na magtuluy-tuloy ang prog-rama para sa mga batang miyembro ng Gilas Pilipinas para sa mga susunod na international tournaments na lalahukan ng bansa kabilang na rito ang inaaba­ngang hosting ng Pilipinas ng prestihiyosong FIBA World Cup sa 2023.

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with