Maraming dapat gawin si Tolentino

Russell Cadayona (Pang-masa) - November 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay inaasahang magiging mabigat ang hamon sa panibagong termino ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

Iniurong ang pagdaraos ng Olympic Games sa susunod na taon sa Tokyo, Japan habang wala pang katiyakan kung matutuloy ang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

“There is so much work to be done and the training of our athletes was delayed,” wika ni Tolentino. “But with the help of this new team, starting January 1, definitely there will be a lot of changes and surprises.”

Tinalo ni Tolentino ng cycling si Atty. Clint Aranas ng archery, 30-22 para sa presidential seat ng POC sa idinaos na eleksyon noong Biyernes.

Hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik sa ensayo ang mga national athletes bunga ng COVID-19 pandemic na nagpaantala ng kanilang preparasyon para sa 2021 Vietnam SEA Games.

Noong Disyembre ng 2019 ay inangkin ng Team Philippines ang overall championship ng biennial event.

“Definitely there will be lots of suprises. We’ve shown a lot in just more than a year, what more with these four years to come with this team,” wika ng 56-anyos na Cavite Representative.

Nanalo rin sina Al Panlilio ng basketball (first vice-president), Ormoc City Mayor Richard Gomez ng fen-cing at modern pentathlon (2nd vice president), Cynthia Carrion ng gymnastics (treasurer), Chito Loyzaga ng baseball (auditor) at sina board members Pearl Managuelod ng muay thai, Dave Carter ng judo, Dr. Raul Canlas ng surfing at Charlie Ho ng netball.

ABRAHAM TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with