UAAP balak magsimula sa Abril

MANILA, Philippines — Target ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na simulan ang season sa Abril sa isang bubble set- up na maihahalintulad sa ginagawa ng Philippine Basketball Association at Philippines Football League.

Ayon kay UAAP executive director Rebo Saguisag, hiniling ng mga coaches na magkaroon ng dalawa hanggang tatlong buwan na preparasyon bago simulan ang liga.

At kung pahihintulutan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang face-to-face training ng mga student-athletes sa Enero, posibleng masimulan ang season sa Abril.

“If face-to-face trainings are approved by January after the Christmas break, coaches say that teams need two to three months to prepare and after Easter Sunday on April 4, hopefully if all goes well, we`re looking at starting the season by April in a bubble scenario,” wika ni Saguisag sa Power and Play program.

Kasalukuyang naghihintay pa ng go signal ang lahat ng collegiate leagues mula sa IATF para sa pagbabalik-ensayo ng mga student-athletes.

Pinaplantsa na ng Commissioner on Higher Education — kasama ang iba’t ibang collegieate leagues sa bansa, opis-yales ng mga kolehiyo at unibersidad, at iba pang mga sangay ng gobyerno — ang magiging patakaran sa training ng mga varsity teams.

Pangunahing isinasaalang-alang ng UAAP ang kaligtasan ng mga student-athletes nito lalo pa’t wala pang opisyal na vaccine para labanan ang coronavirus disease (COVID-19).

“We want the games to push through, but the welfare of the students are more important. I always get asked, when is UAAP going to return? and my answer is, are face-to-face classes back yet?” ani Saguisag.

Dahil sa pandemya, hindi natapos ang ilang events kabilang na ang volleyball tournament makaraang tuluyan nang kanselahin ang Season 82 noong Abril.

Show comments