Gilas pa-Manama ngayon
Chris Co (Pang-masa) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tutulak na ang Gilas Pilipinas patungong Manama, Bahrain ngayong araw bitbit ang misyong makuha ang panalo sa apat na larong naghihintay sa kanila sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

Hindi kasama sa ipadadala ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sina dating UAAP MVP Angelo Kouame na naghihintay pa rin ng naturalization approval at Allyn Bulanadi na nagtamo ng shoulder injury sa training.

Maiiwan ang pasanin sa 14 nalalabing miyembro ng Gilas pool na sina Kobe Paras, Isaac Go, Dwight Ramos, Matt Nieto, Mike Nieto, Justine Baltazar, Rey Suerte, Dave Ildefonso, Jaydee Tungcab, Juan Gomez de Liano, Javi Gomez de Liano, Calvin Oftana, Kemark Carino at William Navarro.

Kasama ng Gilas ang buong coaching staff sa pangunguna nina Gilas Pilipinas head coach Jong Uichico at SBP program director Tab Baldwin.

Ang iba pang miyembro ng coaching staff ay sina Boyet Fernandez, Alton Lister, Sandro Soriano, Andrei Tolentino at Mike Magpantay.

Pagdating sa Manama, inaasahang sasailalim agad ang buong delegasyon sa health protocol requirements kabilang na ang swab testing upang matiyak na walang may coronavirus disease (COVID-19).

Habang naghihintay ng resulta, mananatiling naka-quarantine ang buong koponan. Sa oras na mag-negatibo ang lahat, saka lamang pahihintulutan ang Gilas na makapag-ensayo.

Bagama’t ilang araw lamang nakapag-training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna, tiwala ang coaching staff na palaban ang bagitong Gilas Pilipinas na isasabak nito sa qualifiers.

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with