Aces pinalamig ang Fuel Masters
Aces pinalamig ang Fuel Masters
Russell Cadayona (Pang-masa) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos magpaulan ng 11 three-point shots sa first half ay nanlamig ang Phoenix sa second half na sinamantala ng Alaska Aces para makabangon mula sa 14-point deficit at isalya ang Fuel Masters, 105-97 sa 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Tumipa si Vic Manuel ng 24 points, 7 rebounds at 3 assists para sa ikalawang sunod na panalo ng Alaska na nag-angat sa kanilang record sa 5-3 kasabay ng paghuhulog sa Phoenix sa 4-3.

“Ready lang ako lagi. As one of the veterans kailangan mag-lead ka, especially pagdating sa endgame na,” sabi ng 6-foot-4 na si Manuel.

Nagdagdag si Mike DiGregorio ng 21 markers kasama ang apat na triples at may 13 at 12 points sina JVee Casio at Robbie Henron, ayon sa pagkakasunod.

Sa likod ng 11 points ni Calvin Abueva ay naitayo ng Phoenix ang 34-20 bentahe sa pagsilip ng second period hanggang makabangon ang Alaska at maagaw ang 97-82 abante sa 4:10 ng fourth quarter.

Sa nasabing pagratsada ng Aces ay nagsalpak si DiGregorio ng tatlong triples habang isa lang ang naikonekta ng Fuel Masters matapos magpaulan ng tres sa first half.

Pinamunuan ni Matthew Wright ang Phoenix sa kanyang 27 points, habang may 18, 15 at 10 markers sina Calvin Abueva, Justin Chua at Jason Perkins, ayon sa pagkakasunod.

As of presstime, nag-lalaban pa  ang Talk ‘N text at NLEX sa ikalawang laro kagabi.

Samantala, pupuntiryahin ng nagdedepensang San Miguel ang kanilang ikaapat na sunod na panalo sa pagsagupa sa Barangay Ginebra nga-yong alas-6:45 ng gabi matapos ang bakbakan ng NorthPort at Magnolia sa alas-4 ng hapon.

Nagmula ang Beermen sa 89-82 panalo sa Meralco Bolts.

 

ALASKA ACES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with