Balik sa unahan ang Zamboanga-Family’s Brand Sardines
MANILA, Philippines — Nagising mula sa ma-tinding bangungot ang Zamboanga City Family’s Brand Sardines.
Lupaypay ang balikat ng national players na sina Alvin Pasaol, Joshua Munzon, Troy Rike at Santi Santillan nang mabigong makuha ang korona sa Leg 3 ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 President’s Cup noong Linggo.
Kaya siniguro ng Fa-mily’s Brand Sardines na madadale nila ang Leg 4 matapos kalusin sa finals ang Butuan City Uling Roasters, 21-20, Martes ng gabi sa Inspire Sports Academy bubble sa Calamba, Laguna.
“When we lost that game, I felt like the world was crashing down,” patungkol ni Rike sa kanilang pagkatalo sa Leg 3 kontra sa Pasig-Sta. Lucia Realtors sa quarterfinals. “But I just reminded myself that if we take care of business, we need to be even after a bump on the road.”
Nagtala si Munzon ng 11 puntos habang anim ang iniambag ni Santillan sapat upang sikwatin ang pangatlo sa apat na legs na pinaglabanan.
Nakopo ng Family’s Brand Sardines ang ikatlong P100,000 premyo at bumalik din sila sa top spot ng tour ranking.
Kampeon din ang Zamboanga sa una at pa-ngalawang leg.
Bukas ang Grand Finals at tiyak na mas makapigil hiningang laban ang masisilayan sa 12 teams dahil nakataya ang P1-M premyo para sa magkakampeon. Maghihintay ng kalaban ang top four teams sa tour ranking, habang magkakaldagan sa knockout stage ang walong natitirang koponan.
Ang mga nag-aabang na teams ay Zamboanga City, Butuan City, Nueva Ecija Rice Vanguards at Pasig.
- Latest