Zamboanga-Family’s Brand Sardines may gustong patunayan sa Chooks 3x3
Nilda Moreno (Pang-masa) - October 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinakita ng Zamboanga City Family’s Brand Sardines na sila pa rin ang team-to-beat sa Leg 4 ng 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 President’s Cup matapos walisin ang Pool D sa preliminary round kahapon sa INSPIRE Sports Academy, Calamba, Laguna

Swak sa knockout quarterfinals ang Family’s Brand Sardines matapos ilista ang 2-0 karta.

Dumaan sa butas ng karayom ang Zamboanga City na binubuo nina national players, Alvin Pasaol, Joshua Munzon, Troy Rike at Santi Santillan, tungo sa  19-17 overtime win laban sa Palayan City Capitals sa kanilang unang laro. 

“We are going through what every team goes, the highs and the lows. Just got to go through it,” saad ni Munzon na siyang nagsalpak ng dalawang huling puntos ng Zamboanga City.

Sa kanilang pangalawang laban, madaling ipinagpag ng Family’s Brand Sardines ang Pagadian City Rocky Sports, 21-7.

Nakalaan ang P100,000 para sa champion team sa nasabing leg.

Dahil sa panalo, nakatitiyak na rin ang nationals sa top 4 sa tour ranking sa Grand Finals na gaganapin sa Oktubre 30 kung saan nakataya ang P1-M premyo para sa magkakampeon na team.

Nauna nang nagkampeon ang Zamboanga sa una at ikalawang leg bago nadiskaril sa third leg kung saan hanggang quarterfinals lang sila ­umabot matapos diskarilin ng Pasig-Sta. Lucia Realtors, 18-21.

Samantala, tinalbos din ng Sarangani Marling ang mga kalaban sa Pool A upang sumampa sa susunod na phase sa event na suportado ng FIBA 3X3.

Lalaruin din ang semis at Finals kagabi para sa Leg 4 title.

 

CHOOKS-TO-GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with