Zamboanga City-Family’s Brand Sardines nakahanap ng katapat sa Chooks 3x3
Nilda Moreno (Pang-masa) - October 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakalsuhan ang pamamayagpag ng Zamboanga City Family’s Brand Sardines matapos mabigong sikwatin ang pangatlong kampeonato sa 2020 Chooks-to-Go Pilipinas President’s Cup na ginaganap sa Inspire Sports Academy bubble sa Calamba, Laguna.

Kaya naman laglag sa No. 2 ng tour ranking ang Zamboanga City na binubuo ng national players na sina  Alvin Pasaol, Joshua Munzon, Troy Rike at Santi Santillan.

Matapos walisin ang kalaban sa Pool C sa preliminary round ng Leg 3, sumampa ang Family’s Brand Sardines sa knockout quarterfinals ngunit dito na gumuho ang pangarap nilang sikwatin ang pangatlong korona nang yumuko sa Pasig-Sta. Lucia Realtors, 18-21.

Hindi naman naipagpatuloy ng Pasig ang kanilang momentum dahil natalo sila sa championship round kontra sa Butuan City-Uling Roasters, 20-21.

Malaking bagay ang pagiging beterano ni Chico Lanete para akayin ang Uling Roasters at sikwatin ang premyong P100,000.

“Sinasabi ko sa kanila lagi, ‘wag niyo i-doubt ‘yung sarili niyo kasi may chance pa tayo,” ani Lanete. “Alam naman naming puwedeng-puwede pa kaming bumawi at ito na nga ‘yung resulta.”

Kinalawit ng Family’s Brand Sardines ang una at ikalawang leg pero hanggang quarterfinals lang sila sa thid leg kaya nakalikom lamang sila ng 245 points sa tour ranking sa likod ng Butuan na may 250 puntos.

Segundo at tersero puwesto ang Butuan sa una at pangalawang leg.

May tsansa pang mabawi ng Family’s Brand Sardines ang top spot sa pagsalang nila ngayong araw sa Leg 4 ng nasabing tournament.

Sa Oktubre 30 ang Grand Finals kung saan mag-uuwi ng P1-M ang magkakampeon na team.

CHOOKS-TO-GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with