Northport nakaisa
Northport nakaisa
Russell Cadayona (Pang-masa) - October 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakapasok ang North-Port sa win column habang patuloy ang kamalasan ng Terrafirma.

Kumolekta si Fil-German big man Christian Standhardinger ng 23 points, 12 rebounds at 5 assists para pamunuan ang Batang Pier sa 107-96 pagbangga sa Dyip sa 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Nagdagdag si center Kelly Nabong ng 18 points, tampok ang apat na tres para sa unang panalo ng NorthPort sa limang laro at may 14 at tig-12 markers naman sina Garvo Lanete, Paolo Taha at rookie Renz Subido, ayon sa pagkakasunod.

“We cant go down zero-five in the bubble. We just have to come out. That’s what we did, we came out on top,” sabi ni Nabong.

Umiskor naman si CJ Perez ng 25 points sa panig ng kulelat na Terrafirma, hindi nagiyahan ni coach Johnedel Cardel dahil sa ‘severe back problem’ nito.

Nakalampas ang Batang Pier sa pagdikit ng Dyip, ang huli ay sa 90-95 mula sa dalawang free throws ni Perez sa 3:21 minuto ng fourth quarter matapos ang tatlong sunod na triples nina Subido at Nabong para sa kanilang 14-point lead, 104-90, sa huling 2:10 minuto.

Maagang rumatsada si Standhardinger at umiskor ng 20 points sa first half para sa NorthPort, itinayo ang 29-20 abante sa pagsi-lip ng second period bago nakadikit ang Terrafirma sa halftime, 51-49.

Samantala, target ng Barangay Ginebra ang kanilang pang-limang sunod na panalo sa pagsagupa sa Magnolia sa ‘Manila Clasico’ nila ngayong alas-6:45 ng gabi.

Sa unang laro sa alas-4 ng hapon ay magtutuos naman ang Rain or Shine at Blackwater na kapwa gustong makabangon sa nalasap na kabiguan sa huli nilang mga laban.

Naglalaro pa ang Alaska Aces at San Miguel Beer habang isinusulat ang balitang ito kagabi kung saan hangad ng Aces na makakalas sa 3-way logjam sa 3-2 record kasama ang Phoenix, at Meralco.

 

 

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with