Sabong puwede na pero...

MANILA, Philippines — Agad na nagsasagawa ng derby ang mga sabu-ngan matapos itong bigyan ng basbas na mag operate ng Inter-Agency Task Force, (IATF).

Kahit ang maliliit na sabungan ay puwede nang mag-operate ngunit ipinagbabawal pa rin ang tupada.

May susundin na guidelines at health protocols ang mga magbubukas na sabungan upang masigurong ligtas ang mga sabungero.

Mahigit na 1,200 na lisensyadong sabungan ang nagsara at maraming breeders at sabungero ang nalugmok dahil sa coronavirus, (COVID-19).

Pinayagan na magbukas ang sabungan sa lugar na nasa modified general community quarantine, (MGCQ).

 

Show comments