Marcial tuloy ang training kahit namatay ang kapatid
(Pang-masa) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ilang araw pa lang na nasa US ang Tokyo Olympics-bound na si Eumir Felix Marcial ay para sa kanyang training sa Wild Card gym ay namatay ang kanyang kuya Eliver ngunit pinili niyang huwag na lang umuwi at ipagpatuloy ang kanyang training sa ilalim ni coach Freddie Roach.

Inatake ang panganay na kapatid ni Marcial kahapon ng umaga sa bahay ng boxer sa Cavite kung saan ito inabot ng lockdown. Paalis na sana ito para umuwi ng Zamboanga upang makita ang kanyang asawa at anim na anak.

“Masaya pa siya noong Friday ng gabi tapos excited na ‘yung parents ko lalo na ‘yung asawa niya pati mga anak niya. Masakit talaga sa akin kasi close kaming magkakapatid,” sabi ni Marcial na inalok ni MP Promotions President Sean Gibbons na umuwi ng Pinas ngunit tumanggi ito. “Dito na lang muna ako kasi wala na rin naman magagawa sa nangyari. Mas lalo kong naging inspirasyon ang kuya ko. Ito rin naman ang gusto niya, maging ready ako sa Olympics.”

Ang fiancee ni Marcial na si Princess Galarpe at ang pinsan ng boxer na si Anthony ang nagdala kay Eliver sa Ospital ng Imus ilang minuto nang magsuka ito at nahirapang huminga.

“Nagsalu-salu na kami lahat kagabi kasi nga pauwi na siya. Siya pa nag-ayos lahat ng gamit niya pati mga laruan para sana sa mga anak niya. Tapos ganun na nga nangyari, tinakbo namin agad siya sa ospital pero sabi ng doctor, dead on arrival na siya,” ani Galarpe.

 

EUMIR FELIX MARCIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with