Davis ‘di aalis sa Lakers

LOS ANGELES — Inaasa-hang mananatili si big man Anthony Davis sa NBA champions na Los Angeles Lakers sa sandaling magbukas ang NBA free agency.

Plano ni Davis na huwag nang gamitin ang player option na nakalagay sa kanyang kontrata.

Makikipag-usap si Rich Paul, ang agent ni Davis, sa Lakers front office para talakayin ang future contract options ng All-Star power forward na nakopo ang kauna-unahan niyang NBA ring.

Sa kanyang unang season para sa Lakers ay nagposte si Davis ng mga averages na 26.1 points, 10.4 rebounds, 2.2 assists, 1.4 steals at 2.4 blocks para bumandera ang koponan sa Western Conference matapos ang regular season.  Sa playoffs ay humataw si Davis ng mga averages na 27.7 points, 9.7 rebounds, 3.5 assists, 1.2 steals at 1.4 blocks per outing.

Tinalo ng Lakers sa likod nina Davis at Le-Bron James ang Miami Heat sa katatapos na 2020 NBA Finals, 4-2.

Samantala, pumayag na si Ty Lue sa five-year deal para maging bagong head coach ng LA Clippers kapalit ni Doc Rivers.

Show comments