^

PM Sports

Abueva nasa loob ng Clark bubble pero...

Russell Cadayona - Pang-masa
Abueva nasa loob ng Clark bubble pero...
Calvin Abueva

MANILA, Philippines — Pinayagan ng Philippine Basketball Association (PBA) na makapasok ang kontrobersyal na si Calvin Abueva sa loob ng ‘bubble’ sa Clark Freeport, Pampanga.

Ipinoste ni Abueva sa kanyang Instagram Story ang larawan niya kasama ang isang team staff ng Phoenix sa loob ng kuwarto sa Quest Hotel.

Posibleng senyales na ito na aalisin na ng PBA ang ipinataw na indefinite suspension sa tinaguriang ‘The Beast’ upang makasama na siya sa kampanya ng Phoenix sa 2020 Philippine Cup sa Oktubre 11.

Bago pumasok sa PBA ‘bubble’ ay nakipag-usap sina Abueva at Fuel Masters head coach Topex Robinson sa mga opisyales ng Games and Amusements Board (GAB) para sa professional license ng Phoenix small forward.

Nung una ay hindi pinayagan ng PBA ang 6-foot-2 na si Abueva na makasama sa 25-man delegation ng Phoenix para sa season restart pero pinasama rin ito sa team kalaunan.

Halos 16 buwan nang hindi naglalaro ang 32-an-yos na 2013 PBA Rookie of the Year awardee matapos patawan ng liga ng indefinite suspension a noong Hunyo ng 2019 Commissioner’s Cup.

Sinabi ni Abueva na nakumpleto na niya ang hininging requirements ng PBA para makabalik sa aksyon kasama ang mga drug tests at psychological sessions.

Samantala, hindi na magagawa ng mga players ang mga nakaugaliang high fives, chest bumps, fist bumps, head grabs at half hugs sa mga laro.

Ito ang mga karagdagang health at safety protocols na ipapatupad ng liga sa pagsisimula ng mga aksyon sa Angeles University Foundation (AUF) Gym.

“May strict protocols tayo na ipinagbabawal iyong mga physical contact apart from game play. Kunwari iyong mga high five, iiwasan natin iyon,” wika ni Bases Conversion Development Authority president Vince Dizon, ang deputy chief implementer ng National Action Plan Against COVID-19.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, wala munang ipapataw na parusa sa mga players na hindi makokontrol ang kanilang sarili sa kainitan ng laro. “Sa una, pagsasabihan muna natin na iwasan pero alam mo naman kapag buzzer-beater, mae-excite,” aniya.

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with