^

PM Sports

Hiwalay na agad ang bagong kasal na sina Kevin at Selena Alas?

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Wala pang isang buwan nang ikasal sina Kevin Alas ng NLEX Road Warriors at PBA sportscaster Selena Dagdag, pero hiwalay na ang dalawa... hiwalay na ng higaan.

Simula kagabi ay hindi na magkatabi sa pagtulog ang bagong kasal na sina NLEX Road Warriors guard Kevin at Selena na nag-isang dibdib noong Sept. 8.

Parehong kasama ang dalawa sa PBA ‘bubble sa Clark, Pampanga ngunit magkahiwalay sila ng tinutuluyang hotel.

Magkahiwalay din ng sasakyan sina Alas at Selena nang bumiyahe papuntang Clark para sa paghahanda sa restart ng PBA Philippine Cup sa Oktubre 11.

Sa post ni Dagdag sa kanyang Instagram masaya silang nahanda ang kanilang mga bagahe, may caption na “Husband and wife duties have to take a backseat as he suits up as an athlete, while I suit up as a sportscaster. For those asking, unfortunately we’re assigned separate hotels.”

Umalis kahapon ang second batch ng PBA teams, bukod sa NLEX kasabay nilang bumiyahe ang San Miguel, Barangay Ginebra, Rain or Shine, Alaska, NorthPort at Blackwater.

Dalawang buwan mahigit ang PBA bubble kaya  matagal-tagal pa bago magkatabi uli ang dalawa.

vuukle comment

NLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with