TNT, Blackwater, Columbian may bagong pangalan
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - September 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasabay ng pag-ukit ng PBA ng kasaysayan sa pagdaraos ng kauna-unahang Philippine Cup bubble tournament sa Clark, Pampanga ay ang pagdadala ng tatlong koponan  ng mga bagong pangalan.

Simula sa Oktubre 11, tatawagin ang bagong-bihis na Blackwater na Bossing (dating Elite), Terra Firma ang Columbian at Tropang Giga  ang Talk ‘N Text (dating KaTropa).

“We don’t just go big, but we always go Giga.  Giga sa laro, Giga sa samahan, Giga sa saya, Giga sa panalo,” anang koponan sa opisyal na pahayag.

Bukod sa bagong team name, magpaparada rin ng pinalakas na roster ang TNT sa pangunguna nina Jayson Castro, RR Pogoy, Troy Rosario, Ray Parks at Poy Erram na nakuha nila sa blockbuster trade noong offseason.

Bagama’t nawala si Kelly Williams na nagretiro na, nasikwat naman ng TNT ang dalawang solid big men na sina Ler­vin Flores at Chris Javier gayundin ang rookie na si Kib Montalbo at Simon Enciso mula sa trade para kay Mike DiGregorio.

Magbabalik din sa Tropang Giga si Ranidel De Ocampo matapos ang kanyang retirement upang magsilbing deputy sa coaching staff na pinapangunahan nina head coach Bong Ravena at consultant Mark Dickel.

Samantala, upang masigurong ligtas ang bubble sa Clark ay ila-lock-in din ang lahat ng hotel staff, bus drivers at security personnel kasama ang buong PBA delegation.

Hindi sila papayagang lumabas sa bubble at sasailalim sa parehong protocols kasama ang lagpas 300 na manlalaro mula sa 12 koponan at 50 staff ng PBA, TV5 at media.

 

BLACKWATER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with