Cabagnot ibinuking ni Romeo
MANILA, Philippines — Ibinuking ni San Miguel Beer guard Terrence Romeo ang teammate nitong si Alex Cabagnot sa video na pinost ng huli sa Instagram.
Naka-video ang dalawa habang nagmamaneho si Romeo ng bago niyang sasakyan at si Cabagnot ang nagtuturo ng direksiyon. Ini-enjoy ni Cabagnot ang pagiging pasahero sa bagong Range Rover ni Romeo at pakanta-kanta pa hanggang sa sila ay maligaw.
“Meron ka bang ka-kilala dito sa Valle Verde bakit iniikot-ikot mo ko dito sa Valle Verde?” biro ni Romeo. “Parang halos lahat ng lugar may kakilala ka. Acropolis, Meron, Ayala Heights meron.”
“Wala! Wala! Eto na, eto na,” patawa-tawang sagot ni Cabagnot.
Inasar pa ni Romeo si Cabagnot pero puro tawa lang ito.
- Latest