^

PM Sports

Waiting sa basbas ng IATF

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Dumarami ang government officials na pabor na ibaba sa mas maluwag pang quarantine situation ang Metro Manila.

Kasama sa mithiin ang pagpapagulong sa mas marami pang parte ng ekonomiya.

Ang hiling ng PBA at ng Filipino basketball fans ay maikalendaryo na sa IATF meeting ang request na mapayagang umusad ang PBA sa pagsasagawa ng 3x3 scrimmage bago tuluyang magbalik laro sa Oktubre.

Pero hanggang sa huling IATF meeting bago muling i-address ni Presidente Duterte ang bayan ay mukhang hindi napasadahan ang PBA request.

Ani BCDA president Vince Dizon, sa susunod na buwan pa.

Buzzer-beater? Make or break?

Ito ang sitwasyon dahil target ng PBA na si-mulan ang bubble play sa Oct. 9 para matapos ang tournament bago ang Pasko.

Plantsado ang plano pero wala pang basbas ng gobyerno. Pero baka nga ma-tackle ng IATF bago ang “D-Day.”

Isa si Dizon na nagkumbinsi na dalhin sa Clark ang PBA bubble play, kaya’t siguradong itutulak niya sa IATF na ma-approve ang PBA request.

DATOS: Patok sa bikers ang maraming lugar sa San Rafael, Bulacan. Enjoy ang Tropang Kubo sa San Rafael ride noong Lunes lalo na sa maiinit na pagtanggap nina Brgy. Maronquillo Sec. Ruby Babac at Brgy. Talacsan ladies Rowena Vizcarra, Mercy Cruz-Salvador, Teresa Junio, Lorie Junio at Monica Nunez-Caibigan.

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with