Badtrip si LeBron James sa MVP result
LeBron James
Badtrip si LeBron James sa MVP result
(Pang-masa) - September 22, 2020 - 12:00am

LAKE BUENA VISTA, Florida — Hindi nagustuhan ni Los Angeles Lakers star LeBron James ang naging resulta ng labanan para sa NBA Most Valuable Player award.

“Pissed me off. That’s my true answer,” wika ni James sa media matapos ang panalo ng Lakers sa Game One laban sa Denver Nuggets sa kanilang Western Conference finals series.

Muling hinirang si Milwaukee Bucks star forward Giannis Antetokounmpo bilang NBA MVP sa ikalawang sunod na season.

Tumanggap si Antetokounmpo ng 85 mula sa posibleng 101 votes para sa first place, habang may 16 votes lang si James para sa second place.

Dahil sa kabiguang makakuha ng sapat na boto ay nainis ang four-time MVP winner na si James.

“16 out of 101! Ok Cool! I got y’all,” ang galit na post ni James, may 753 points kumpara sa 962 points ni Antetokounmpo sa NBA race, sa kanyang social media account.

Tumapos si James sa ikalawang puwesto sa MVP race sa ikaapat na pagkakataon sa kanyang career.

 

 

LEBRON JAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with